noong bata ako, gustong gusto ko ng ulan.
masarap magtampisaw sa tubig habang ako naliligo
habang nakikipaghabulan ka sa mga kalaro
naaalala ko pa,
ginagawa namin na bangka-bangkaan ang aming mga lumang tsinelas
animo'y mga pagoda
habang ito ay pinalulutang sa tubig kung bumabaha
pero habang tumatakbo ang panahon,
nagbago ang aking pagkahilig sa ulan.
hindi na ako nakakapagtampisaw sa tubig.
ayaw ko nang nababasa ng ulan...
minsan ayokong umuulan.
lalo na kapag kungsumasapit ang buwan ng mayo...
sapagkat ang dala nito ay lamig
lamig na manunuot sa aking kalamnan.
wala naman akong kakayahan upang ito ay pawiin
ang pagpawi ng lamig na aking nararamdaman.
lamig na nanunuot sa kaibuturan
ng isang puwang sa aking buhay
na nais kong punan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment