Wednesday, June 10, 2009

mga bagay na sumasagi sa aking isip

may mga taong naaalala ka lang kapag kailangan ka nila.
kapag tapos na ang iyong pakinabang,
isasantabi ka na lamang muli sa isang sulok ng kanilang buhay...
saka na lang muling aalisin ang lambong na nakatakip sa iyo
sa sandaling kailangan na nila muli ang iyong pagdamay.

may mga tao din naman na nagpapagamit.
kahit alam nila na sila ay ginagamit lang ng mga tao sa kanilang paligid,
wala silang pakialam.
kahit pa masaktan nila ang kanilang mga sarili
handa silang kalimutan ang kanilang mga sarili dahil sa pagmamahal.

No comments:

Post a Comment