Dito sa Bayan ng Meycauayan Hucuman ng Bulacan nang icalabingwalong arao ng Julio taong isang libo siyam na raan at apat. Caming mag-Inang Bonifacia Carillo at Marcelo Villano mga tawong tunay dito sa nasabing bayan ay may mga edad na carampatan, sa fecha nito guinawa naming at ipinagawa itong casulatan at documento nang aming reparticiong mga magpipinsang boo at pamangquin tungcol sa lupang bacood at palayan na quinatitirican ng aming pamamahay sa lugar ng Licod sacop din nitong bayan na ang tacal ay dalawanpo at tatlong areas at animnapo at pitong centiareas o caya ay walong luang at apat-napo at pitong brazas cuadradas at humahanga sa nayong hilagaan sa solar ni Fausta Villano, sa timugan ay solar ni Catalina Villaflores, sa silanganan na tumawid nang carsada ay palaisdaan ni Fernando Nieto at sa canluran ay sangja o daang tubig: ay ito’y aming naguing caparti at cabahagui sa aming nasabi-nang mga camana na sila’y, Domingo Villaflores, Felipa Villaflores, Justa Villaflores at Silvino Villaflores, at itong aming pagpaparting ito ay guinawa naming sa aming tunay na pagca-caharap at magandang pagca-casundo na walang nilit at pumilit ni humiguit na sino man sa amin. At sa catutohanan nang lahat nang itoy hindi yari sa Mataas na Tribunal ng ESTADOS UNIDOS dito sa capuluang Filipinas na quina-u-uculan nang mga ganganitong casulatan ay doon naming itinutulad ang boong lacas bagsic capangyarihan na parang yaring hatol na napag-hatulan na sacali’t, may magtatalurica sa amin at siyang ipilit, ipatupad ang lahat nang ditoy napapalaman tuloy nang firma ang bawat maalam at hindi ay naglagay nang aruego na pumirma sa ilalim ng caniyang pangalan at ang mga Herederong dito’y hindi na sinaysay ay gayon din at ang mga sacsing macapagbibigay lubos pacatutoo ngayong arao buan at taong nasabi-na.
The Calle Licod mentioned in the deocument is now Brgy. Zamora and the lot is now presently numbered as 44 J. Lesgaspi Street. :-)